Commission on Human Rights, itinangging may sariling imbestigasyon si UN Special Rapporteur Agnes Callamard sa extra judicial killings sa bansa

89

Manila, Philippines – Itinanggi ng Commission on Human Rights na may nilulutong sariling imbestigasyon si United Nations Special Rapporteur Agnes Callamard tungkol sa umano’y extra judicial killings sa bansa.

Ayon kay CHR spokesperson Atty. Jackie De Guia, nasa bansa si Callamard ngayon para dumalo sa ika-30 anibersaryo ng CHR.

Bukod dito aniya, nakatakdang daluhan ni Callamard ang isang seminar sa free legal assistance group na inorganisa ng University of the Philippines.

Dagdag pa nito, wala pang initial talks sa pagitan ng CHR at ni Callamard kaugnay sa ejk cases sa bansa.

DZXL558

Facebook Comments