Naalarma ang Commission on Population and Development (CPD) sa pagtaas ng bilang ng teenage pregnancies sa bansa.
Base sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), tumaas ng 10% ang bilang ng mga kabataang edad sampu hanggang labing-siyam na taong gulang ang maagang nabubuntis noong 2022, mas mataas mula sa naitala noong 2021.
Katumbas ito ng 150,138 na naitala noong 2022, mas mataas sa 136,302 noong 2021.
Pero ang mas pinaka-naalarma ang CPD ay ang pagtaas ng pagbubuntis sa mga babaeng edad 10 hanggang 14 taong gulang.
Nabatid na mula 2,113 noong 2020, tumaas ng 48% ang bilang ng teenage pregnancies noong 2022 na katumbas ng 3,135.
Bukod sa kakulangan sa kaalaman sa reproductive health, nakaapekto rin sa paglobo ng teenage pregnancies ay ang mga kabataan na kasama na sa isang bahay ang kanilang partner.