Commissioner Chito Narvasa, nanindigan hindi aalis sa pwesto hangga’t walang kumpletong desisyon sa mga PBA board

PBA – Nanindigan ngayon si PBA Commissioner Chito Narvasa na hindi ito aalis sa pwesto sa kabila ng hakbang ng Majority Bloc ng PBA board na huwag nang palawigin pa ang kanyang termino.

Sa isang Press conference, sinabi ni Narvasa na wala itong nakikitang dahilan para mawalan ng tiwala sa kanya ang mga team owners.
Iginiit pa niya na palagi raw nitong sinisiguro na mayroong pagkakapantay-pantay at kalinawan sa lahat ng mga desisyon ng liga, partikular na sa mga naganap na trade sa pagitan ng mga teams sa PBA.

Pumalag naman ang limang miyembro ng board na kinabibilangan ng San Miguel Corp. (Beermen, Ginebra at Star hotshots), Kia at Globaport Batang Pier pero wala naman sila nang isinagawa ang meeting.


Facebook Comments