Wednesday, January 21, 2026

Commissioner Rossana Fajardo, nagbitiw na sa pwesto

Nagbitiw na sa pwesto si Rossana Fajardo bilang Commissioner ng Independent Commission for Infrastructure (ICI).

Epektibo ang pagbibitiw ni Fajardo sa December 31, 2025.

Ayon sa inilabas na pahayag ni Fajardo, natupad na aniya ang kaniyang mga tungkulin sa komisyon, partikular na sa pagsubaybay sa pananalapi at pag-iimbestiga sa mga infrastructure projects mula nang maitalaga siya bilang commissioner.

Dagdag pa niya, ang mga susunod na hakbang sa imbestigasyon ay magiging responsibilidad ng Department of Justice (DOJ) at ng Office of the Ombudsman, at maaari na nilang ipagpatuloy ang mga ito.

Facebook Comments