Inihayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa ASEAN-United Nation Summit ang kaniyang commitment at adbokasiya para sa youth empowerment ng mga kabataan at mga inisyatibo para sa peace building at security.
Sa katunayan ayon sa pangulo, una nang inilunsad sa Pilipinas nang nakalipas na Agosto ang National Action Plan para sa mga kabataann at seguridad.
Kaya naman sa isinagawang ASEAN United Nation Summit dito sa Pnonm Pehn, Cambodia ay pinuri ni UN Secretary-General António Guterres ang Pangulong Marcos dahil sa mga hakbang nito para sa kabataan at seguridad.
Tiniyak naman ng pangulo sa global body na ipagpapatuloy ng Pilipinas ang pagpapalakas ng engagement sa pagitan ng United Nation.
Sinabi ng pangulo na sa kaniyang meeting nang nakaraang buwan sa New York City, inihayag niya ang intensyon ng Pilipinas na mas maiangat ang tungkulin ng peacekeeping operations lalo na sa mga bansang maraming Pilipino.
Bukod dito tiniyak din ng presidente sa secretary general ang suporta at pakikiisa ng Pilipinas para sa global effort upang labanan ang climate change at iba pang environmental issues.
Hinikayat naman ng pangulo ang lahat ng miyembro ng UN na respetuhin ang rule of law at international laws partikular ang 1982 United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).
Inanunsyo ng pangulo na nakuha na ng bansa ang 120 sa 140 action lines ng 2021-2025 ASEAN-UN Plan of Action.
Samantala, nagpasalamat rin ang presidente sa UN sa suporta sa pagharap sa COVID-19 pandemic.