Commitment ng AFP sa Bangsamoro peace process, tiniyak

Siniguro ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr., ang commitment ng Sandatahang Lakas sa Bangsamoro Peace Process.

Ayon kay Brawner, higit sa lahat, ang mga sundalo ang nag-aasam ng pangmatagalang kapayapaan.

Binigyang diin nito na seryoso ang militar pagdating sa ikatatagumpay ng prosesong pangkapayapaan.


Aniya, malayo na ang narating ng pamahalaan sa usapang pangkapayapaan at hindi nila ito sasayangin.

Facebook Comments