Muling inihayag ng Estados Unidos Ang kanilang “commitment” na itaguyod ang Republic of the Philippines-United States Mutual Defense Treaty.
Ang “commitment” ng Estados unidos ay napagusapan sa isinagawang 8th Philippines-United States Bilateral Strategic Dialogue (BSD) sa Maynila nitong araw ng Lunes at Martes.
Pinangunahan ni Department of Foreign Affairs Undersecretary for Policy Enrique Manalo at Department of National Defense Undersecretary Cesar Yano ang Philippine delegation.
Habang ang US delegation ay pinangunahan naman nina Assistant Secretary of State for East Asian and Pacific Affairs David Stilwell and Assistant Secretary of Defense for Indo-Pacific Security Affairs Randy Schriver.
Sa pagpupulong, natalakay ang una nang inihayag ni US Secretary of State Michael Pompeo sa kanyang pagbisita sa Maynila nitong Marso, na kinokonsidera ng US Ang South China Sea (SCS) bilang bahagi ng Pacific.
Muling binanggit ng mga opisyal ng US Ang sinabi ni Pompeo na ang anumang armdong pag-atake sa Philippine armed forces, pampublikong barko o eroplano sa South China Sea ay mag-tri-trigger ng Article IV ng the Mutual Defense Treaty, kung saan obligado Ang Estados unidos na ipagtanggol ang Pilipinas.
Sa pagtatapos ng pagpupulong inihayag ng Philippine At US officials ang kanilang paninindigang isulong ang “freedom of navigation” sa South China Sea, at solusyunan na ang anumang isyu sa South China Sea n nakabatay sa International Law.