Binigyang diin ng gobyerno ang layuning magbigay ng pinaka-mataas na kalidad ng demokrasya sa mga Pilipino, sa harap ng sociopolitical context.
Sa 2023 Open Government Partnership Global Summit High-Level Rountable Discussion sa Estonia, binanggit ni Budget Secretary Amenah Pangandaman ang mga hakbang ng gobyerno, maging ang accomplishments nito, sa patuloy na pagpapalakas ng demokrasya sa bansa.
Kabilang na dito ang institutionalization ng PH-Open Government Partnership.
Gayundin ang development ng unang medium-term OGP National Action Plan, pagbu-bukas ng budget, procurement, at policy-making process sa partisipasyon ng publiko.
Hinikayat ni Secretary Pangadaman ang civil society leaders na katawanin ang isang gobyerno para sa mga mamamayan..
Ayon sa kalihim ay dahil ang isang demokrasya na walang partisipasyon ng publiko, ay hindi maituturing na demokrasya.