Patuloy na labanan ang mga iligal na aktibidad na nangyayari sa gaming industry.
Ito ang panawagan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) sa kanyang talumpati kahapon sa ika-40 anibersaryo ng PAGCOR.
Sinabi ng pangulo, kailangangang manatili ang commitment ng PAGCOR sa paglaban sa mga iligal na aktibidad.
Naniniwala ang presidente na sa mga susunod na taon ay mas magiging maganda ang kontribusyon ng PAGCOR sa nation building partikular sa sektor ng turismo, paglikha ng trabaho, paglawak ng social services para sa mga mahihirap na Pilipino at pagsuporta sa mga key programs ng pamahalaan.
Batay sa rekord ng PAGCOR, mayroong kabuuang contribution to nation building (CNB) ang PAGCOR na aabot sa ₱607 bilyon sa loob ng apat na dekada na may kabuaang divedendo na ₱64 bilyon simula pa noong 2011 hanggang ngayong buwan.
Sa rekord pa ng PAGCOR na sa ilalim lang Marcos administration, mayroon nang CNB na aabot sa ₱45 bilyon at target nila ay magkaroon ng ₱70 bilyon bago matapos ang taong ito.
Ilan sa mga programang ipinatutupad ng PAGCOR ay ang pagtatayo ng mga classroom, multi-purpose evacuation centers, at nagbibigay ng donasyon sa mga institution, government offices at mga indibidwal.
Nagbibigay rin ng pondo ang korporasyon para sa Universal Health Care, Philippines Sports Commission, at Dangerous Drugs Board.