Commitment ng Pilipinas at Vietnam sa pagpapalakas ng alyansa, muling pinagtibay

Muling pinagtibay ng Pilipinas at Vietnam ang commitment nito na patibayin ang strategic partnership at bilateral relations ng dalawang bansa.

Kaugnay ito ng isinagawang 10th Philippines-Vietnam Joint Commission on Bilateral Cooperation sa Hanoi, Vietnam.

Sa bilateral meeting nina Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo at ng kanyang counterpart G. Bui Thanh Son, binigyang-diin ng dalawang foreign ministers ang tagumpay ng relasyon sa pagitan ng Pilipinas at Vietnam at muling pinagtibay ang kahalagahan ng ASEAN Centrality sa pagtataguyod ng kapayapaan at kaunlaran sa rehiyon.


Binigyang-diin ang produktibong pagbisita sa Hanoi ang matatag na ugnayan na tinatamasa ng Pilipinas sa Vietnam, partikular sa larangan ng political, defense and security, economic, maritime at socio-cultural cooperation.

Facebook Comments