Manila, Philippines – Kasabay ng selebrasyon ng Earth Day ngayong araw, muling tiniyak ng Malacañang ang commitment ng Pilipinas na makibahagi sa pagsisikap ng international community para matugunan ang mga hamon at epekto ng climate change.
Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na magpapatuloy ang partisipasyon ng Pilipinas sa mga international efforts para labanan ang climate change kasabay ng proteksyon nito sa panloob na ekonomiya.
Magandang okasyon ito aniya bilang paalala sa commitment ng bansa sa global call sa pagbabawas ng carbon emission na pangunahing sanhi ng climate change.
Magugunitang sa kabila ng naunang pagtutol, pinagtibay rin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Paris Agreement on Climate Change na agad namang ni-ratify ng Senado noong Marso ngayong taon.
Nation