Tiniyak ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang commitment nito na maging kasosyo ng Czech Republic sa pagpapatupad ng Indo-Pacific Strategy.
Ayon kay Pangulong Marcos, makipagtutulungan ang Pilipinas sa Czech para maaabot ang target na economic growth at patuloy na development sa rehiyon.
Humingi rin ng suporta ang Pangulo sa Czech para sa pagpapanumbalik ng negosasyon sa Philippine-EU Free Trade Agreement (FTA).
Malaking hakbang aniya ito sa pagpapalawak pa ng trade relations ng dalawang bansa.
Samantala, lumagda naman ang Pilipinas at Czech Republic sa tatlong kasunduan na magsusulong ng kalakalan sa Maynila at Prague.
Ang mga kasunduang ito ay may kinalaman sa semiconductor, at IT-BPM sectors.
Facebook Comments