Pinirmahan ngayong umaga ng DILG, PNP, DOTr, MMDA at LTFRB ang commitment of support sa Inter-Agency Council for Traffic (I-ACT).
Si DILG Secretary Eduardo Año, PNP Chief Police General Oscar Albayalde, DOTr Secretary Art Tugade, DOTr Undersecretary Mark Richmond Deleon at MMDA Chair General Danilo Lim ang lumagda ng dokumento sa isang simpleng seremonya kasunod ng flag-raising ceremony sa Camp Crame.
Matatandaang nilikha ang I-ACT noong August 25, 2016 sa pamagitan ng isang Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng DOTr, PNP, MMDA, Metro Manila Council, LTO, LTFRB at Philippine Coast Guard (PCG).
Layunin nito ang magtatag ng isang “integrated approach” sa problema sa trapiko sa pamamagitan mas malapitang koordinasyon sa pagitan ng mga nasabing ahensya sa mahigpit na pagpapatupad ng mga batas trapiko.
Nakapaloob sa nilagdaang commitment, ang pagtatalaga ng HPG ng 25 commissioned officer, 275 non commission officers, 24 mobile cars at 82 motorcycle unit na magagamit sa crackdown sa kolorum.
Magdagdag din ng tauhan at sasakyan ang LTO at LTFRB dagdag na patrol cars habang ang I-ACT naman ay magdadagdag ng team leaders na naka-deploy sa field.