CAUAYAN CITY- Naging matagumpay ang isinagawang Commitment Setting and Handover Ceremony ng B-SPARED pilot ng Department of Social Welfare and Development at Food and Agriculture Organization of the United Nations sa bayan ng Echague, Isabela.
Ito ay dinaluhan ni DSWD Field Office 2 Regional Director Lucia Alan, FAO Representative na si Lionel Dabbadie, mga LGU representatives, mga Punong Barangay, at mga benepisyaryo.
Layunin ng Building on Social Protection for Anticipatory Action and Response in Emergencies and Disasters (B-SPARED) na tulungan ang mga magsasakang apektado ng El Niño kung saan nasa 965 na magsasaka ang tumanggap ng conditional cash assistance.
Samantala, nagbigay pasasalamat naman ang ilang benepisyaryo ng programa sa malaking itinulong nito sa kanila hindi lamang sa pagsasaka kundi sa kanilang mga personal na pangangailangan.