Committee Chairmanships, pinag-aagawan ng ilang incumbent at incoming senators

Ibinunyag ni Sen. Manny Pacquiao na mayroong gusot sa pagitan ng mga kasalukuyang senador at mga new incoming senators.

Ayon kay Pacquiao, ito ay dahil nais ng mga new incoming senators na kasapi ng PDP Laban na mahawakan ang mga komiteng hawak ng mga kasalukuyang senador.

Gayunman, maliit lang aniyang gusot ito at naniniwala siyang mareresolba rin sa kanilang nakatakdang pulong sa ika-5 ng Hunyo.


Ilan sa mga pinag-aagawang komite ay ang Blue Ribbon, Education, Justice, Public Works Committee at ilan pang malalaking lupon.

Mababatid na kasama ni Pacquiao sa PDP-Laban sina Senators Elect Francis Tolentino, Ronald Dela Rosa at Bong Go na pawang nagpahayag na nais makakuha ng Komite

Samantala, tiwala naman si Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri, na walang magiging epekto ang agawan ng komite sa liderato ni Senate President Tito Sotto.

Facebook Comments