Committee hearings at mga imbestigasyon sa Kamara, tuloy pa rin kahit naka-break ang sesyon

Magpapatuloy pa rin ang mga pagdinig sa Kamara sa kabila ng session break na nagsimula ngayong araw bilang pagbibigay daan sa filing o paghahain ng Certificate of Candidacy (COC) ng mga kandidato para sa 2022 elections.

Binigyang otorisasyon ng liderato ng Kamara na magsagawa ng mga committee hearings at investigation mula October 1 hanggang November 7.

Ilan sa mga patuloy na dinidinig ngayon sa Kamara ay ang 2020 Commission on Audit (COA) report sa inilipat na pondo ng Department of Health (DOH) sa Procurement Service ng Department of Budget and Management (PS-DBM) kung saan nabulgar ang overpriced na medical supplies na face masks at face shields na binili ng pamahalaan sa Pharmally Pharmaceutical Corporation.


Mababatid na tulad sa Senado ay pursigido rin ang mga miyembro ng panel ng Committee on Good Government and Public Accountability na mapaharap sa susunod na pagdinig sina Pharmally Executive Krizle Grace Mago at Pharmally Director Linconn Ong.

Sa November 8 naman ang resumption o pagbubukas ng sesyon ng Kongreso.

Samantala, ilan sa mga kongresista na naghain na ngayong unang araw ng filing ng Certificate of Candidacy (COC) ay sina Antique Rep. Loren Legarda na tatakbo muling senador, 2nd District Albay Rep. Joey Salceda at 1st District Albay Rep. Edcel Lagman bilang mga re-electionist sa kanilang mga distrito.

Facebook Comments