Committee on Agriculture, isusumite ang report sa imbestigasyon sa malawakang pagbaha noong Bagyong Ulysses sa Enero

Isusumite ng House Committee on Agriculture and Food sa susunod na taon ang resulta ng imbestigasyon kaugnay sa nangyaring malawakang pagbaha sa Luzon noong Bagyong Ulysses.

Ayon kay Agriculture and Food Committee Chairman Quezon Rep. Mark Enverga, sisikapin ng komite na matapos ang pagsisiyasat para maibigay na ang resulta ng imbestigasyon sa buwan ng Enero ng 2021.

Para mapadali ang paglalabas ng resulta sa imbestigasyon, balak aniya ng komite na makapagsagawa pa ng isa o dalawang pagdinig kahit nakabakasyon ang Kongreso.


Ipapatawag sa susunod na pagdinig ang mga top level officials ng mga kaukulang ahensya.

Nagpaabot na rin aniya sila ng sulat sa ipapatawag na agencies upang hilingin ang kinakailangang dokumento hinggil sa isyu.

Matatandaan na sa unang pagdinig ng Kamara ay nanindigan ang National Irrigation Administration (NIA) na hindi ang Magat Dam ang dahilan ng malalang pagbaha maraming probinsya at sa Metro Manila sa kasagsagan noon ng Bagyong Ulysses nitong Nobyembre.

Facebook Comments