Committee on Dangerous Drugs, ongoing ang executive session – Barbers, hindi kumbinsido na hindi alam ni Faeldon ang nakalusot na droga sa Customs

Manila, Philippines – Sinimulan na ng House Committee on Dangerous Drugs ang imbestigasyon ‘in aid of legislation’ sa inihaing House Resolutions 1054 at 1057 kaugnay sa 6.4Billion pesos na iligal na droga na pinalusot sa green lane ng BOC.

Pinamumunuan ni Committee Chairman Robert “Ace” Barbers ang nasabing imbestigasyon at isa rin sa naghain ng resolusyon.
Dumalo din ang mga resource person na inimbitahan para sa pagdinig kabilang sina Customs Commissioner Nicanor Faeldon at ang kontrobersyal na si Customs Spokesperson Atty. Mandy Anderson na tumawag kay House Speaker Pantaleon Alvarez na “imbecile” o pinaka-stupidong tao.

Dumalo rin ang Customs Broker na si Mark Ruben Taguba na humarap kahapon sa imbestigasyon ng Senado na naglahad sa mga opisyal ng BOC na nakinabang sa nakalusot na droga sa komisyon.


Nasa pagdinig din ang mga Deputy Customs Commissioners na sina Gerardo Gambala, Eduardo Dybuco, Ariel Nepumuceno, at Natalio Ecarma.

Sa opening statement ni Barbers, tinawag niyang unqualified imbeciles ang mga nasa BOC dahil sa pagpapalusot ng iligal na droga at mistulang walang alam at nagtuturuan sa nakalusot na droga.

Kinukwestyon din ni Barbers ang centralized powers ni Faeldon sa BOC.

Naniniwala kasi ito na hindi makakalusot ang iligal na droga kung walang approval mula sa pinakamataas na opisyal.

Balak ng komite na mag-rekomenda ng pwedeng isampang kaso sa mga mapapatunayang nasa likod ng anomalya sa Customs at paghihigpit sa sistema dito.

Hindi kumbinsido si Barbers na ito ang unang pagkakataon na may nakapasok na kontrabando tulad ng iligal na droga sa Bureau of Customs.

Facebook Comments