Committee report hinggil sa nakapuslit na P6.4 billion shabu shipment mula China, ilalabas ngayong araw

Manila, Philippines – Posibleng ilabas ngayong araw ang report ng Senate Blue Ribbon Committee hinggil sa nakalusot na 6.4 billion pesos na shabu shipment mula China.

Ayon kay Committee Chairman, Sen. Richard Gordon, handa nang ilabas ang report matapos ang ilang linggong pagdinig.

Nakasaad sa report ang mga irerekomendang kaso laban sa mga sangkot sa kontrobersiya.


Pero una nang sinabi ni Sen. Antonio Trillanes IV, pipigilan niya ang committee report ni Gordon kung lalabas na abswelto si Davao City Vice Mayor Paolo Duterte at asawa ni Mayor Sara Duterte na si Atty. Mans Carpio.

Sina Polong Duterte at Atty. Carpio ay idinawit ng Customs broker na si Mark Taguba na inabswelto naman nito noong Biyernes (Sept. 1).

Facebook Comments