Committee Report Kaugnay Sa Pagbibigay Ng Emergency Powers – Ihahain Na Sa Plenaryo, Bukas

4

MANILA – Ilalabas na ng senado ang kanilang committee report kaugnay sa pagbibigay kay Pangulong Rodrigo Duterte ng emergency powers para solusyunan ang problema sa trapiko sa bansa.Ayon kay senate committee on public services Chair. Sen. Grace Poe – bukas, kasabay ng kanyang sponsorship speech ay ihaharap na nito sa plenaryo ang kanilang committee report sa emergency powers.Kasabay nito, aminado si Poe na posibleng mabago pa ang laman ng committee report sa pagsalang sa bicameral conference.Paglilinaw din ng senadora bagaman may ibibigay na emergency powers, aminado na hindi ito ang agarang solusyon kung hindi maipapatupad ng tama.Tiniyak din ni Poe na may limitasyon ang ibibigay na emergency powers upang hindi maabuso.

Facebook Comments