Committee report kaugnay sa sugar fiasco investigation, inaprubahan na ng Senado

Inaprubahan na ng Senado ang committee report ng Senate Blue Ribbon Committee tungkol sa naging imbestigasyon sa kontrobersyal na Sugar Order No. 4.

Sa report ay pinasasampahan nga ng kasong kriminal at administratibo ang mga lumagda sa SO4 na sina Agriculture Undersecretary Leocadio Sebastian, dating Sugar Regulatory Administration (SRA) Administrator Hermenegildo Serafica at dalawa pang SRA board members.

Kabilang sa ipinasasampa laban sa kanila ang mga mga kasong katiwalian, paglabag sa Anti-Agricultural Smuggling Act of 2016 at “usurpation of official functions”.


Inirerekomenda rin ang mga nabanggit na ihanay sa lookout bulletin ng Immigration.

Nag-ugat ang imbestigasyon ng Senado matapos sabihin ng Malakanyang na hindi awtorisado ni Pangulong Bongbong Marcos ang paglagda ng mga opisyal sa sugar importation order na nag-aangkat ng 300,000 metriko toneladang asukal.

Facebook Comments