Committee report sa ginawang imbestigasyon ng Kamara sa Pharmally, ilalabas sa Disyembre

Target na mailabas ng Kamara sa Disyembre ang report kaugnay sa ginawang imbestigasyon ng mga kongresista sa kwestyunableng pagbili ng pamahalaan ng pandemic medical supplies sa Pharmally Pharmaceutical Corporationt.

Ayon kay House Committee on Good Government and Public Accountability Chairman Michael Aglipay, isinasalang na sa review ng mga abogado ng opisina ni House Speaker Lord Allan Velasco ang committee report.

Mangangailangan aniya ng dalawa hanggang tatlong linggo para sa naturang review o pag-aaral sa report dahil masyadong kumplikado ang mga isyu tungkol sa Pharmally na kinasasangkutan pa ng ilang ahensya ng gobyerno.


Kaya ang review at pagplantsa sa report ay hindi dapat minamadali, bukod pa sa nag-iingat sila sa pagpaparatang sa sinuman.

Paglilinaw pa ng kongresista, wala pang ibang mambabatas ang nakakita ng draft ng report maliban sa speaker’s office at mga staff ng committee secretariat ng Good Government panel.

Facebook Comments