Puspusan ng tinatrabaho ng Committee on National Defense and Security ang committee report kaugnay sa ginawa nitong pagdinig ukol sa red tagging.
Ayon kay Senator Panfilo “Ping” Lacson na siyang chairman ng komite, target niyang maipresenta ito sa plenaryo ngayong linggo bago mag-adjourn ang kanilang session para sa Christmas break.
Sabi ni Lacson, puspusan ang ginagawang pag-aaral ng kanyang tanggapan sa lahat ng argumento at position papers na isinumite ng dalawang panig sa naganap na tatlong pagdinig.
Inaasahang laman ng committee report kung irerekomenda o hindi na gawing krimen ang red tagging.
Tiniyak naman ni Lacson na ang Saligang Batas ang dapat sandalan sa usapin ng posibleng pagtukoy sa red-tagging bilang isang asuntong kriminal.
Facebook Comments