
Kinumpirma ng Philippine National Police (PNP) na sasampahan nila ng reklamong direct assault ang common law wife ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na si Honeylet Avanceña.
Ayon kay PNP Spokesperson PBGen.Jean Fajardo ito’y kaugnay ng pananakit nito sa isang miyembro ng PNP SAF.
Ani Fajardo, pinaghahampas ng cellphone ni Honeylet ang babaeng miyembro SAF kaya ito nagtamo ng malaking bukol sa noo.
Nangyari aniya ito nang patabihin si Honeylet upang lumuwag ang harapang bahagi kung saan naroon ang dating Pangulong Duterte para isakay sa bus.
Sa ngayon, nakalabas na ng ospital ang babaeng pulis.
Samantala, sinabi rin ni Fajardo na pinag-aaralan na rin ng PNP ang pagsasampa ng reklamong Obstruction of Justice laban kay dating Executive Secretary Salvador Medialdea, matapos nitong tangkaing harangin ang paghahatid sa eroplano sa dating pangulo.
Si Medialdea ay pinosasan ni Criminal Investigation and Detection Group o CIDG Director PMGen. Nicolas Torre dahil sa nasabing pag-delay pero pagdating sa loob ng bus ay agad din naman itong tinanggal.