Common law wife ni Pangulong Duterte na si Honeylet Avanceña, opisyal na itinalaga para humarap sa mga asawa ng mga ASEAN leaders

Manila, Philippines – Inanunsyo ng ASEAN 2017 National Organizing Committee na ang live-in partner ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Honeylet Avanceña ang magsisilbing official hostess ng mga spouses o maybahay ng mga heads of states ng ASEAN-member countries na dadalo sa 30th ASEAN Leaders’ Summit ngayong Linggo sa Pilipinas.

Ayon kay Ambassador Marciano Paynor – mismong si Pangulong Duterte ang nagdesisyon na ang kanyang common law wife ang haharap sa mga maybahay ng mga bibisitang lider mula sa iba’t-ibang bansa.

Dagdag pa ni Paynor – hindi ito ang kauna-unahang pagkakataong mag-host ng leader’s spouse si Honeylet dahil nasubukan na ito nang dumalaw sa Davao City si Japanese Prime Minister Shinzo Abe.


Nabatid na walang official first lady ang Pangulong Duterte dahil annuled ito sa kanyang unang asawa na si Elizabeth Zimmerman at hindi naman ito kasal kay Honeylet.

Pero alinsunod sa panuntunan, ang Pangulo pa rin ang magdedesisyon kung sino ang kanyang pahaharapin sa mga okasyon.

Facebook Comments