Common station sa North Ave., matatapos na sa katapusan ngayong buwan ayon sa DOTr
Matatapos na ngayong katapusan ng Marso ang konstruksyon ng North Avenue common station sa Quezon City.
Sa ngayon, ang station building ng Area A ay nakakonekta na sa Area B o sa Atrium, na nasa 100% kumpleto na.
Ang 13,700 square meter concourse area ay mag-uugnay sa 4 na pangunahing linya ng tren: LRT-1, MRT-3, MRT-7, at sa lalong madaling panahon, ang Metro Manila Subway Project.
Ayon kay Department of Transportation (DOTR) Secretary Arthur Tugade, target na pasimulan ang operasyon ng common station sa Hulyo ngayong taon.
Sa sandaling maging operational, aabot sa halos 500,000 pasahero araw-araw ang maseserbisyuhan ng common station.
Facebook Comments