Deklaradong no-rally zone ang kahabaan ng Commonwealth Avenue sa unang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Hulyo a-25.
Ayon kay PNP OIC Lt. Gen. Vicente Danao Jr., hindi nila hahayaan ang mga raliyista na makapagdulot ng perwisyo at mabigat na daloy ng trapiko kung kaya’t nagpasya silang ideklara na lamang na no-rally zone ang kahabaan ng Commonwealth Ave.
Sinabi pa nito na hindi sila papayag na makapagprotesta sa Commonwealth Ave. ang mga militante at sinigurong ipatutupad ang maximum tolerance at calibrated response.
Samantala, tinukoy naman ni Gen. Danao ang University of the Philippines grounds at Quezon Memorial Circle bilang mga designated freedom parks kung saan maaaring magprotesta ang mga makakaliwang grupo.
Una nang sinabi ng opisyal na magpapakalat sila ng 22,000 police personnel sa SONA ni PBBM.