Communication at simulation exercises para sa ikalawang SONA ni PBBM, isasagawa ngayon linggo ayon sa PNP

Isang linggo bago ang ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., nagpapatuloy ang ginagawang paghahanda ng Philippine National Police (PNP) sa kanilang ilalatag na seguridad.

Ayon kay PNP Spokesperson PCol. Jean Fajardo, ngayong linggo ay inaasahan nila ang pagsasagawa ng communication exercises, simulation exercises, ocular inspection, walk-through sa area of convergence, at clearing operations.

Bahagi aniya ito ng contingency measures ng pulisya sa seguridad ni Pangulong Marcos Jr., at iba pang personalidad at opisyal ng gobyerno na dadalo sa aktibidad.


Sa ngayon, wala pang natatanggap na credible at serious threat ang pulisya hinggil sa SONA.

Habang wala pang impormasyon ang Quezon City Police District kung may humingi na ng permit sa Quezon City LGU para makapagsagawa ng kilos-protesta.

Ipinaalala ni Fajardo na sa Quezon Memorial Circle ang designated freedom park sakaling magsagawa ng aktibidad ang iba’t ibang militanteng grupo.

Facebook Comments