Communication lines ng Bureau of Immigration, mananatiling bukas sa Biyernes

158

Manila, Philippines – Napaalala ngayon ang Bureau of Immigration (BI) sa publiko na sarado ang kanilang tanggapan sa darating na Biyernes (September 1), bilang pakikibahagi sa Eid’l Adha ng mga Muslim.

Gayunpaman, mananatiling bukas ang kanilang mga linya ng komunikasyon, kabilang ang social media accounts ng BI para tugunan ang mga immigration inquiries at concern.

Magbabalik sa normal na operasyon ang BI sa Lunes, September 4, 2017.


Facebook Comments