Communist Guerillas Front, idineklarang mahina ng PNP at AFP sa pamamagitan ng isang joint resolution

Sa kabila ng mga pag-atake pa rin ng komunistang terorista, isang Joint Resolution ang pinirmahan ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) na nagdedeklarang sa Communist Guerilla Fronts na mahina na at nalansag na.

Isinagawa ang signing ceremony sa Camp Crame kung saan ginanap ang National Joint Peace and Security Coordinating Center (JPSCC) meeting na pinangungunahan nina PNP Chief Police General Camilo Cascolan at AFP Chief of Staff General Gilbert Gapay.

Bukod sa pagdedeklarang mahina sa Communist Guerilla Fronts, pumirma rin ang mga pinuno ng AFP at PNP ng guidelines, ito ay ang “Guidelines in Evaluating the Effectiveness of Internal Security Operations in Support to the National Thrust to End Local Communist Armed Conflict”.


Nagpasalamat naman si PNP Chief sa AFP dahil sa patuloy na suporta para ma-eliminate ang communist insurgency sa mga probinsya na may mga presensya ng New People’s Army.

Inihayag din ni Cascolan ang kahalagahan ng JPSCC meeting na nagpapalakas sa relasyon ng PNP at AFP para magtulungan sa anti-insurgency at anti-terrorism operations partikular sa Bangsamoro Autonomous Region.

Facebook Comments