Pumanaw na si Communist Party of the Philippines (CPP) founding chairman Jose Maria “Joma” Sison sa edad na 83 at naka-self-exile ito sa Netherlands.
Ito ay kinumpirma ni CPP chief information officer Marco Valbuena.
Ayon kay Valbuena, nasawi si Sison ng pasadong bandang alas-8:40 kagabi (oras sa Pilipinas) matapos ang dalawang linggong naconfine sa ospital.
Si Sison ay isang aktibista na nagtatag ng makakaliwang rebolusyonaryong organisasyon na CPP noong Disyembre 1968.
Facebook Comments