Communist Party of the Philippines, hindi magdedeklara ng ceasefire ngayong holiday season

Inanunsyo ng Communist Party of the Philippines (CPP) na hindi sila magdedeklara ng ceasefire ngayong holiday seasons sa kabila na rin ng pagpanaw ng founding chairman nito na si Jose Maria “Joma” Sison.

Ayon sa CPP information bureau, wala silang nakikitang rason sa central committee upang magdeklara ng ceasefire dahil patuloy pa rin ang pagde-deploy ng combat troops ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Una na rin sinabi ni AFP Spokesperson Colonel Medel Aguilar na hindi kinokonsidera ang ceasefire sa communist rebels ngayong holiday seasons.


Samantala, magdedeploy ng nasa higit 2,000 mga pulis sa Central Luzon ngayong Kapaskuhan.

Facebook Comments