Manila, Philippines – Matapos ang limang dekada, nagtalaga na ng mga bagong opisyal ang Communist Party of the Philippines (CPP), kasabay ng ika-48 anibersaryo nito bukas.
Ang pagtatalaga ay naganap noong October 24 hanggang November 7, 2016 kasabay ng isinagawang National Congress ng CPP kung saan binigyan ng mataas na pagkilala ang founding chairman nito na si Jose Maria Sison.
Nabatid na higit sa kalahating miyembrong naitalaga sa central committee at political bureau ng CPP ay mga kabataan.
Anila, makatutulong ang kabataan para sa mas matalas na pagpapasya at mas agresibong pagsusulong ng ideolohiya ng grupo.
Sa nasabing pulong, naamyendahan na rin ang sinusunod na konstitusyon ng CPP na layon umanong maisulong ang Marxism – Leninism – Maoism ideologies patungo sa rebolusyon.
Kasama rin sa napag-usapan ang kanilang pangkalahatang programa at gawaing may kaugnayan sa pulitika, ekonomiya, pag-aarmas, kultura at ugnayang panlabas.