Inilunsad ng Department of Health Region 1 ang Community-Based Immunization sa buong rehiyon kasabay ng nagpapatuloy na bakunahan sa mga paaralan.
Ang naturang hakbang ay alternatibo sa mga batang hindi naaabot sa mga paaralan upang palawigin pa ang bakunahan kontra tigdas, rubella, tetanus, diphtheria, at cervical cancer.
Gaganapin ang community-based immunization direkta sa mga barangay health centers.
Para sa iskedyul, makipag-ugnayan lamang sa mga barangay health workers o rural health unit upang matiyak ang pagpapabakuna ng mga Kabataan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









