Nagsagawa ng community-based tourism training ang Valenzuela City Government at Department of Tourism (DOT) para sa mga residente ng Tagalag Fishing village.
Pinangunahan ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat ang pagbubukas ng aktibidad kung saan pinuri nito ang culinary training ng lungsod.
Ang pagsasanay na may temang “Catch to Cash: Farm to Table Culinary Training” ay para maturuan ang mga mangingisda, fish pond owners, at mga ina na palakasin ang kanilang mga negosyo.
Makakatulong ito para palaguin ang turismo at ang kita ng kanilang lugar.
Ayon kay Romulo-Puyat, ang pagpapayaman sa resources ay mabisang paraan para sa tourism development.
Sa nasabing training ay tinuruan ang mga participants ng “technical know-how” o makabagong pamamaraan ng food preservation at pagpapalawig ng “shelf-life” ng mga nahuhuling isda at iba pang aquatic resources para sa kanilang matatag na kabuhayan.