Community doctor Natividad Castro na nasangkot sa kasong kidnapping at serious illegal detention, muling pinaaaresto ng korte ayon sa DOJ

Kinumpirma ng Department of Justice (DOJ) na muling pinaaaresto ng Agusan del Sur court si community doctor Natividad Castro.

Kaugnay ito ng kasong kidnapping at serious illegal detention na kinakaharap ni Castro.

Muling binuhay ng korte ang kaso sa sala ng bagong hukom matapos na maghain ng mosyon ang prosekusyon at lumabas na hindi totoong pinagkaitan ng due process si Castro at hindi rin napatunayan ang usapin sa kakulangan ng hurisdiksyon.


Magugunitang nitong March 25, ipinag-utos ng korte ang pagpapalaya kay Castro dahil sa lack of jurisdicton at napagkaitan daw ang akusado ng due process.

Ang kaso laban sa activist health worker ay unang isinampa ni Ginang Rachel Salahay na asawa ng biktima na si Bernabe Salahay.

Kasama rin sa respondents sa kaso ang ilang miyembro ng CPP-NPA-NDF.

Facebook Comments