Para maiwasan ang talamak na mga fixers, nagsagawa ang Commission on Filipinos Overseas (CFO) ng isang community education program sa lalawigan ng Pangasinan, partikular sa mga bayan ng Urbiztondo at Mangatarem.
Sinabi ni Ivy Miravalles, direktor ng Migrant Integration and Education Division, na ang programang ito na community education at information campaign ay naglalayong palakasin ang komunidad sa paggawa ng matalinong desisyon tungkol sa pakikipag-ugnayan sa ibang bansa at makabuo ng pakikilahok ukol sa migration.
Layon nito na itaas ang kamalayan ng publiko sa mga programa at serbisyo ng CFO, iba’t ibang isyu tungkol sa migration, intermarriage, at umiiral na mga patakaran at programa ng gobyerno laban sa illegal recruitment, documentation fraud, human trafficking at iba pa.
Idinagdag niya na para sa programang ito, ang CFO ay nakikipag-ugnayan sa publiko sa Pangasinan sa pamamagitan ng symposium sa paaralan, mga pampublikong pagtitipon, mga panayam sa media, at pakikipag-ugnayan sa mga pinuno at miyembro ng komunidad.
Inulit niya ang babala ng CFO sa publiko laban sa mga scammer (mga indibidwal o organisadong grupo) na nagsasabing may kapangyarihan silang mapadali ang pagpapalabas ng CFO Guidance and Counseling Program (GCP) Certificates o kahit na magreserba ng appointment slot.
Mahigpit din niyang pinayuhan ang mga kliyente nito na iwasang mag-entertain o makipagtransaksyon online o nang personal sa mga indibidwal o grupo at maging maingat sa mga indibidwal na nagpapakilala sa kanilang sarili bilang mga empleyado ng CFO.
Sinabi din nito na ang mga tauhan ng CFO ay hindi kailanman makikipag-ugnayan o lalapit sa mga kliyente upang humingi ng pera o anumang paraan ng pagbabayad bilang kapalit ng isang appointment slot o mga sertipiko ng CFO.

Facebook Comments