COMMUNITY FIRE AUXILIARY GROUP SA TAYUG, PINATATAG NG BFP URBIZTONDO SA EMERGENCY RESPONSE

Nagsagawa ang Bureau of Fire Protection (BFP) Urbiztondo ng Refresher Training para sa mga miyembro ng Community Fire Auxiliary Group (CFAG) mula sa iba’t ibang barangay sa Tayug, Pangasinan noong Disyembre 1.

Tinalakay sa pagsasanay ang mahahalagang kasanayan para sa emergency response, kabilang ang fire safety, tamang paggamit ng fire extinguisher, pagbuhat at paglipat ng casualties, at iba’t ibang firefighting at operational strategies.

Ayon sa BFP, mahalaga ang papel ng mga volunteer responders sa komunidad upang masiguro ang mabilis at maayos na pagtugon sa sakuna.

Binigyang-diin din nito na ang regular na pagsasanay ay kinakailangan upang mapanatili ang kahandaan at kakayahan ng CFAG.

Katuwang ng BFP Urbiztondo ang lokal na disaster risk reduction office sa pagpapatibay ng mga inisyatibang naglalayong gawing mas ligtas at mas handa ang komunidad.

Facebook Comments