Kasado na ng Lokal na Pamahalaan ng Lungsod – Quezon at Quezon City Police District (QCPD) ang itinalagang mga Community Firecracker Zones at Fireworks Display Areas para sa mga magpapaputok sa pagsalubong ng 2025.
Ayon kay QCPD Acting District Director PCol Melecio Buslig, Jr. ang 24 na mga lugar na ito ay mahigpit na babantayan ng pulisya upang matiyak ang kaligtasan ng publiko.
Sabi ni PCol. Buslig, mahigpit na ipatutupad ng QCPD ang ordinansa at ang mga batas na sumasaklaw sa pagbebenta, paggamit, at paggawa ng mga ipinagbabawal na paputok tulad ng watusi, piccolo, poppop, five star, at iba pa.
Paliwanag pa ng opisyal na para aniya matiyak na mababantayan ang lungsod ay nagtalaga na ng 1,200 personnel at 2,203 force multipliers ang QCPD para maipatupad ang mga umiiral na mga batas na may kinalaman sa paputok.
Batay sa naaprubahang dalawang personnel sa Quezon City, papatawan ng multang mula isanlibo hanggang Php5,000 at may kaakibat na pagkakakulong ng hanggang 1 taon ang sinumang lalabag dito.
Dahil dito ay hinihikayat ni PCol. Buslig ang mga residente ng lungsod Quezon na gumamit na lamang ng mga alternatibong pampaingay tulad ng torotot, tambol, takip ng kaldero at qiba pa para salubungin ang bagong taon upang makaiwas sa disgrasya.