Community learning hub, binuksan sa Pasig para sa mga batang nahihirapan sa aralin

Isang linggo nang operational ang Community Learning Hub sa Caliwag, Pinagbuhatan, Pasig na nasa tabi lamang ng Bliss housing site.

Dito ay may mga trained tutors mula mismo sa komunidad para matulungan ang mga bata na nahihirapan sa kanilang mga aralin.

Dinisensyo ang programa para sa mga estudyante na hindi natutukan o nagagabayan sa pag-aaral sa bahay dahil walang kakayahan ang mga magulang lalo na ngayong distance learning na ang paraan ng pag-aaral upang makaiwas sa COVID-19.


Kumpleto ang pasilidad sa mga kagamitan at supplies na kailangan para makatutok ang mga estudyante sa pag-aaral.

Para masiguro ang physical distancing, ay lima hanggang anim na estudyanteng nakatira sa Bliss housing site na naka-enroll sa Pinagbuhatan Elementary School ang ma-accommodate ng hub na ito kada schedule.

Naging posible ang proyektong ito sa pakikipagtulungan sa Office of the Vice President, JCI Manila, Ligaya ng Panginoon, at community leaders ng Caliwag, Pinagbuhatan.

Samantala, pag-aaralan din ng pamahalaang lokal ang mga karanasan sa Pinagbuhatan Community Learning Hub upang makita kung paano ito magagawa sa iba pang lugar sa siyudad na nangangailangan din ng ganitong programa.

Facebook Comments