Mahalagang papel ang ginagampanan ng mga community library sa pagpapalakas ng kasanayan sa pagbasa ng kabataan sa harap ng patuloy na literacy crisis sa bansa.
Ayon kay Dr. Vivian Luz Pagatpatan, SDS ng SDO Pangasinan II, malaking tulong sa mga bata ang presensya ng library na may iba’t ibang aklat at gabay mula sa reading mentors at facilitators.
Batay sa 2024 FLEMMS ng PSA, 93.1% ng Pilipino ay may basic literacy, ngunit 70.8% lang ang may functional literacy—katumbas ng 24.8 milyong Pilipinong hirap makaunawa ng binabasa, kabilang ang milyun-milyong senior high graduates.
Samantala, para kay Dr. Engelbert Pasag ng Panpacific University na katuwang ng Ylang Ylang Community Library sa Sison, Pangasinan, mahalaga ang mga reading programs sa isang komunidad upang mapaunlad ang comprehension at communication skills ng kabataan.
Ang community library ay hindi lamang imbakan ng libro dahil nagsisilbi itong sentro ng pagkatuto at pag-asa sa mga maliliit na sektor ng lipunan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









