Community outpost na solar power, pormal nang binuksan

25
Photo Courtesy: Tin-Tin Abas | Facebook

Inihayag ni Muntinlupa City Mayor Jaime Fresnedi na bukas na ang kanilang mga solar powered community outpost na itinayo sa iba’t ibang barangay ng lungsod.

Photo Courtesy: Tin-Tin Abas | Facebook

Layunin aniya nito na mapanatili ang kaayusan, kalinisan at kaligtasan sa bawat purok ng lungsod.

Patunay lamang aniya ito na hindi hadlang ang pandemya upang magpatuloy siyang maglingkod sa kaniyang mga mamamayan.

Aniya, 24/7 ang duty ng mga barangay police sa bawat outpost at bibigyan naman sila ng posas, batuta at radio.

Nakatakda rin aniya na lagyan ng sound system ang mga barangay community outpost upang makapag anunsyo at paalala sa mga kabarangay patungkol sa pag-iingat at iba pang mahahalagang anunsyo.

Facebook Comments