Community pantries, hindi dapat pulitikahin

Umapela si Senador Win Gatchalian sa mga lokal at iba pang opisyal ng gobyerno na huwag gamitin sa pamumulitika ang mga nagsulputang community pantries sa bansa.

Sa kanyang pananaw, sinabi ni Gatchalian na pinausbong ng community pantry ang makabagong bayanihan spirit sa mga Pilipino at ipinakita nito ang pagkakaroon ng disiplina ng mga benepisyaryo sa gitna ng kinakaharap na pandemya.

Dagdag pa ng senador, ang pag-usbong ng ganitong inisyatibo, ay nagpapakita ng pagiging matulungin ng mga sibilyan at mga nasa pribadong sektor na maging kaagapay ng gobyerno sa pagbibigay ayuda sa mga nangangailangan.


Kaya naman giit ni Gatchalian, hindi ito dapat ginagawang negative political weapon.

Aniya, ang mga ganitong klaseng noble effort ay mas maganda kung manatiling nasa pribadong kamay para walang pulitika, at walang kulay.

Paliwanag pa niya, kung hahaluan ng pulitika ay mawawala ang spirit of volunteerism, at pagtutulungan na nakikita natin ngayon, gayundin ang pagkakawanggawa para sa mahihirap nating kababayan.

Facebook Comments