Nagpapasalamat si Cabinet Secretary Karlo Nograles sa mga nasa likod ng iba’t ibang community pantries na naglutangan sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila.
Ito ang pahayag ni Nograles kasunod ng pagtatatag ng bamboo cart project na pinamagatang “Maginhawa community pantry” sa Quezon City na nagsilbing inspirasyon para itayo ang iba pang ganitong inisyatibo sa iba pang lugar sa Kamaynilaan.
Ayon kay Nograles, welcome sa pamahalaan ang mga ganitong proyekto mula sa pribadong sektor at ng mga ordinaryong mamamayan.
Aniya, malaking bagay ang mga ganitong inisyatibo.
Bukas ang pamahalaan sa anumang tulong para maibsan ang epekto ng COVID-19 pandemic.
Nagsusumikap ang gobyerno para matugunan ang iba’t ibang epekto ng pandemya lalo na sa kalusugan, lipunan at ekonomiya.