“Community pantries” para sa mga naapektuhan ng pandemya, umabot na rin sa mga probinsya!

Buhay na buhay ang bayanihan spirit sa mga Pilipino!

Mas marami pang kababayan nating naapektuhan ng COVID-19 pandemic ang naaabutan ngayon ng tulong ng “community pantry.”

Matapos kasing mag-viral online ang Maginhawa Community Pantry, isa-isa na ring nagsulputan ang mga kahalintulad nito sa iba pang bahagi ng NCR Plus.


Layon ng community pantry na makapagbigay ng libreng pagkain para maitawid ang isang araw lalo na ng mga kababayan nating walang maibili dahil nawalan ng trabaho bunsod ng pandemya.

Kabilang sa mga iniaalok nila ay libreng gulay, prutas, bigas, kape, noodles, tinapay at marami pang iba.

Kwento ni Toootz Vergara, isa sa mga citizen na nag-organize ng community pantry sa P. Noval, Manila – masaya sila na makitang hindi lang kumukuha ang mga tao kundi marami rin ang nagbibigay para makatulong sa iba.

Bukod sa mga lungsod sa Metro Manila, nakaabot na rin ang community pantries sa Laguna, Rizal, Batangas at iba pang kalapit probinsya.

Facebook Comments