COMMUNITY PANTRY BILANG TULONG SA RESIDENTE NG BONUAN BOQUIG, ISINAGAWA

Kanya kanyang diskarte tuwing maulang panahon ang pagbibigay tulong sa residente at mga kababayan. Sabi nga nila Sharing is caring kung kaya’t isinagawa sa Barangay Bonuan Boquig ang community pantry gawa ng maulang panahon ngayon.
Iba’t ibang pagkain tulad ng delata, noodles, mayroon ding bigas at gulay tulad ng talong, bawang, sibuyas atbp ang ipinamahagi sa mga residente.
Labis na ikinatuwa naman ng mga residente ng naturang lugar ang nasabing aktibidad. Saad nila, upang maging pantay sa lahat at walang pinipiling bigyan kaya’t pantry ang kanilang pamamaraan upang makatulong. |ifmnews

Facebook Comments