“Community Pantry for Education”, itinayo sa Laguna

Photo Courtesy: Sangguniang Kabataan ng Siniloan

Nagtayo ng “Community Pantry for Education” ang Sangguniang Kabataan (SK) ng Bayan ng Siniloan, Laguna.

Libreng school supplies ang ibinibigay sa harapan ng Siniloan Integrated National High School sa Barangay Wawa tulad ng mga ballpen, lapis, pantasa, ruler, pambura, envelope, at notebook gayundin ang face mask.

Ayon sa SK ng Siniloan, paraan nila ito upang makatulong sa mga batang naapektuhan ang pag-aaral dahil sa COVID-19 pandemic.


Bukod sa libreng school supplies, may libreng serbisyo rin tulad ng pagpapa-print at photocopy.

Tumatanggap ang grupo ng donasyong lapis, papel, notebook, pambura at iba pang school supplies.

Facebook Comments