Nagpatutupad na rin ng community pantry ang Department of Agriculture (DA) sa ilang lalawigan sa bansa.
Sa pamamagitan ng Agribusiness and Marketing Assistance Division at Kadiwa ni Ani at Kita, unang inilunsad ang community pantry sa Barangay Lingu, Solana, Cagayan.
Ayon sa DA, gagawin din ito sa iba pang lugar sa Cagayan Valley.
Sa unang pagpatutupad nito, mahigit 100 residente ang nabigyan ng mga sariwang gulay, bigas, itlog at grocery items mula sa mga vegetable grower ng Peñablanca at Solana sa Cagayan at Isabela.
Ang ikalawang yugto ng pamimigay ng pagkain ay isinagawa sa Barangay San Gabriel sa Tuguegarao City.
Sa abiso ng DA, magtuloy-tuloy pa ito sa susunod na linggo sa iba’t iba pang lugar sa rehiyon.
Facebook Comments