Matagumpay na isinagawa kahapon sa Guadalupe Bliss, Lungsod ng Makati ang kauna-unahang community pantry ng DZXL 558 Radyo Trabaho sa ilalim ng programang “Bayanihan sa Bayan ni Juan.”
Bitbit ng Radyo Trabaho team ang iba’t ibang uri ng mga pangunahing pangangailan tulad ng mga gulay, bigas, can goods, itlog, at iba pa.
Ikinatuwa naman ito ng ilang mga residenteng pumila sa community pantry dahil kahit papaano ay mayroon na silang pantawid gutom.
Kabilang sa mga nagpasalamat sa inisyatibong ito ang mga residenteng sina Liberato Malig, Josephena Bragais, at Sonia Calagian.
Katuwang ng nasabing programa ay ang Vegetable Exporters and Vendors Association Philippines, Inc. (VIEVA), Republic Biscuit Corporation (Rebisco), ACS Manufacturing Corp., RMN Foundation Inc. at RMN Networks.
Kasama rin ang mga miyembro ng Tau Gamma Phi ng nasabing lugar, kung saan sila ang tumulong upang maipatupad ang safety at health protocols laban sa COVID-19.
Antabayanan ang mga susunod pang community pantry ng DZXL 558 Radyo Trabaho para sa Bayanihan sa Bayan ni Juan.