Community pantry, nabuo dahil sa pagiging desperado ng mga tao

Para kay Senador Panfilo Lacson, ang paglutang ng mga community pantry sa ilang lugar sa Metro Manila ay senyales ng pagiging desperado na ng mamamayan.

Diin ni Lacson, bunga ito ng kawalan ng tulong mula sa gobyerno sa panahon ng pandemya.

Paliwanag ni Lacson, bagama’t isang magandang gawain at ehemplo ng pagtutulungan at pagkakaisa ng mamamayan ang community pantry, ay nagpapakita rin ito ng desperasyon ng mga tao dahil hindi na nila maasahan ang tulong ng pamahalaan.


Kasabay nito ay nagpaalala rin si Lacson sa mga nagtutungo sa mga community pantry na mahigpit na sundin ang health protocols para maiwasan na mahawa sila ng COVID-19.

Giit naman ni Senator Risa Hontiveros, ipinapakita ng mga community pantry na kailangang paghusayin pa ng pamahalaan ang trabaho nito.

Diin ni Hontiveros, hindi pwede at hindi kayang palagi na lang sasaluhin ng taumbayan ang gobyerno.

Facebook Comments